Lumagda sa isang kasunduan ang Philippine National Police (PNP) at Grab para isasailalim sa Road Safety and Security Training Program ang mga drayber ng TNV’s o Transport Network Vehicle Services.
Ayon kay Highway Patrol Group (HPG) Director Chief Superintendent Arnel Escobar, umaasa sila na magiging katuwang nila ang Grab sa pagiging force multiplier sa kalsada.
Se – sentro ang nasabing training program sa road courtesy and traffic safety laws, road crash responder at anti – criminality.
Kasabay nito, pinayuhan ng HPG ang mga drayber ng TNV’s na maging maingat matapos maitala ang mga kaso na ginagamit ang mga ito bilang drug courier.
Nagbigay naman ng kaniyang commitment si Brian Cu, country head ng Grab, na makikipagtulungan sila sa PNP at titiyakin na magiging disiplinado ang kanilang mga driver.