Itinaas na ngayong araw sa 70% kapasidad ang mga pampublikong sasakyan sa Metro Manila at karatig-probinsya.
Bagay ito na ikinatuwa ng mga jeepney drivers na ilang buwan nang umaaray dahil sa limitadong kapasidad at sunod-sunod na pagtaas ng presyo sa produktong petrolyo.
Hati naman ang naging reaksyon ng ilang mga pasahero dahil sa pangambang hindi pa fully vaccinated ang ibang sumasakay.
Samantala, paalala ng Inter-Agency Task Force na dapat pa ring sundin ang iba pang mga safety protocols tulad ng pagsusuot ng facemask at face shield sa mga pampublikong sasakyan. —sa panulat ni Airiam Sancho