Maaaring mag-apply ng panibagong fare matrix ang mga driver at operator ng mga Public Utility Vehicles bilang requirement sa dagdag-pasahe simula Oktubre a –3.
Nilinaw ni LTFRB board member, Atty. Mercy Jane Paras-Leynes na kailangang nakapaskil ang fare matrix ng sa mga PUV bago maningil ng mas mahal na pasahe.
Hinimok naman ng LTFRB official ang mga mananakay na isumbong ang mga tsuper na magpapatupad agad ng fare increase bago mag-Oktubre a –3.
Maaari anyang tumawag sa LTFRB 24/7 hotline 1342 o magpadala ng mensahe sa LTFRB official facebook page o bumisita sa official website ng ahensya.
Aminado naman si Leynes na napakahirap i-balanse ang interes ng mga operator o driver at commuter pero pinipilit ng ahensya na magkaroon ng rasonableng pasahe na patas para sa lahat.
Sa desisyon ng LTFRB, magiging P12 na ang minimum fare sa traditional jeep mula sa kasalukuyang onse habang P14 sa modern jeepney.