Kasado na ang bagong driver’s license na may 5-year validity.
Ito’y sa pagsisimula ng paglilimbag ng Department of Transportation (DOTr) – Land Transportation Office (LTO).
Ayon sa LTO, may kabuuang 32 security features na ang bagong license cards na magreresolba sa problema hinggil sa isyu ng mga pekeng lisensya.
Isa umano sa security features nito ay ang 2-d barcode kung saan ang fingerprint ng may-ari ng lisensya ay nakatatak sa kaniyang litrato.
Bukod dito, pinag-aaralan na rin ng LTO ang pagbuo ng bagong sistema kung saan, ang sinomang driver na hindi nagkaroon ng anumang traffic violation ay pahahabain ng hanggang 10 taon ang validity ng lisensya.
RPE