Muli umanong namamayagpag ang mga drug dealer sa ilang bahagi ng lungsod ng Metro Manila, tatlong linggo simula nang suspendihin ang anti-illegal drugs campaign ng Duterte administration.
Sa Sta. Mesa, aminado ang ilang residente na may ilang pasahero ng mga trolley ang nag-aalok sa kanila ng isang sachet ng shabu.
Ayon kay Mang Rene, hindi niya tunay na pangalan at isa sa mga trolley-pusher, minsan ay nakakasabay niya ang mga nagtutulak ng droga at hayagang nagtatanungan ng halaga ng bibilhing shabu.
Sa isang bahagi ng Tondo, bagaman balik-negosyo na rin ang mga drug pusher, maingat naman ang mga ito sa pagbebenta sa mga user.
By Drew Nacino