Malaking bagay sa war on drugs ang pagkamatay sa COVID-19 ng mga kilalang drug lords na nakapiit sa New Bilibid Prison (NBP).
Reaksyon ito ni Derrick Carreon, Spokesman ng Phil. Drug Enforcement Agency (PDEA) sa pagkamatay ni JB Sebastian at ilang Chinese nationals na nakapiit sa NBP.
Ayon kay Carreon, malaking kabawasan ito sa mga transaksyon na inaayos sa loob mismo ng NBP.
Gayunman, tiniyak ni Carreon na hindi ito nangangahulugan na magiging kampante sila sa kanilang giyera kontra droga.
Kasi nga nabalitaan natin dati na they do this electronically through gadgets so, malakng bagay talaga na mawawala yung malaking tao na nag-uutos mula sa loob,” ani Carreon.
Tiniyak ni Carreon na nananatili ang goal ng PDEA na tuluyang mapuksa ang problema sa illegal drugs ng Pilipinas sa pagtatapos ng termino ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa katunayan ay naglagay na sila anya ng countdown kung ilang araw pa ang natitira upang maabot nila ang kanilang goal sa ilalim ng Duterte administration.
43% of the barangay’s have to be clear, wala ng maiiwan dapat. All drug personalities accounted for, all drug users submitted to intervention, wala ng sources of supply, yung sa barangay may programa yan for continous preventive education and then yung merong referral desk na lahat para kapag may nangailangan ng tulong alam kung saan sila dadalhin,” ani Carreon. — panayam mula sa Ratsada Balita.