Patuloy ang pagdagsa ng mga dumadalaw sa Manila North Cemetery isang araw bago ang Undas.
Muli ring ipinaalala ng mga otoridad ang mga ipinagbabawal dalhin o gawin sa sementeryo.
Kabilang na rito ang mga matatalas na bagay, pagpapalipad ng saranggola, sound system at paglalasing.
Ipinagbabawal din ang pagparada ng mga sasakyan sa mga lugar malapit sa Manila North Cemetery.
By Allan Francisco | Aya Yupangco (Patrol 5)