Sumampa na sa 50 milyong pasahero na ang dumaan sa mga pantalan sa bansa ngayong taon.
Ayon kay Philippine Ports Authority (PPA) General Manager Atty. Jay Santiago, maaaring lumobo pa sa limampu’t pitong milyon ang kabuuang bilang ng pasaherong daragsa sa katapusan ng taon.
Kumpara ito sa dalawampu’t dalawang milyong naitalang dami ng pasahero sa mga pantalan sa kaparehong panahon noong isang taon.
Maaaring naging mas kampante na anya sa pagbiyahe muli ang publiko dahil sa mas pinaluwag na covid-19 safety protocols.
Samantala, pinayuhan naman ni Santiago ang mga biyahero na magsuot pa rin ng face mask kung nasa mga air-conditioned section ng barko pero maaaring magtanggal kung nasa open area.