Posibleng hindi pa nakakalayo ng Davao del Norte ang mga dumukot sa 3 dayuhan at 1 Filipina.
Sinabi ni Philippine National Police Region 11 Deputy Police Commander Senior Supt. Aaron Aquino na hindi basta basta makakaalis sa lugar ang mga suspek lalo nat mahigpit ang pinaiiral na seguridad matapos ang naturang pagdukot
Bukod sa mahigpit ang checkpoint sa mga boundary ng probinsya, ipinabatid ni Aquino na mataas ang alon sa dagat at nakatutok din ang naval forces sa mga dalampasigan gayundin ang mga chopper ng Armed Foces of the Philippines kaya’t hirap na makalayo ang mga kidnapper
By: Judith Larino