Nangungusap ang suot na damit ng marami sa mga dumalo sa kilos protesta kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Pagbasura sa anti-terror law ang nakatatak sa barong ni Bayan Muna party-list Representative Ferdinand Gaite at iba pang miyembro ng progresibong grupo.
Hinggil sanaman sa pagbubukas ng klase ang sash na suot ng ilang miyembro ng Alliance of Concerned Teachers.
Kasama ng Bayan Muna na maagang dumating sa University of the Philippines (UP) Diliman kung saan nagtipon-tipon ang mga raliyista ang mga jeepney drivers upang ipanawagan ang pagbasura sa jeepney modernization at payagan na silang makapaghanapbuhay.