Walang nalabag na regulasyon o polisiya ang militar sa presensya ng kanilang reservists sa libing ng flight attendant na si Christine Dacera kahapon.
Ayon ito kay Major General Ariel Caculitan, commandant ng marine corps dahil ang mga dumalong uniformed personnel sa funeral rites sa General Santos City ay pawang reservists na hiniling ng ina mismo ni Christine na si Sharon para tumulong sa pagbibigay ng seguridad kabilang na ang crowd control.
Binigyang diin ni Caculitan na walang military honors sa libing ni Christine bagamat hindi naman ipinagbabawal sa pagtulong ng mga reservist sa pagbuhat sa kabaong ng flight attendant.