Ipinamukha ni Pangulong Rodrigo Duterte sa CHR o Commission on Human Rights na hindi santo ang mga drug addict na kanilang ipinagtatanggol hinggil sa kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Ayon sa Pangulo, dapat tingnan ng CHR ang mga krimeng ginagawa ng mga durugista lalo na’t kapag sabog ang mga ito sa ipinagbabawal na gamot.
Giit ng Pangulo, mga inosente ang binibiktima ng mga lulong sa droga tulad ng panggagahasa sa mga bata gayundin ang mga karumal-dumal na pagpatay.
Paliwanag pa ng Pangulo, kaya mahihirap ang mga napapatay sa anti-drug war dahil sila ang kumakagat sa pagbebenta ng iligal na droga sa mga drug lords.
Giit pa ng Pangulo, dapat pa ngang maghabla rin ang gobyerno dahil sa dami ng mga pulis at sundalong nagbubuwis ng buhay dahil sa anti-drug war ng gobyerno.
By Jaymark Dagala | Report from Aileen Taliping / Jonathan Andal