Tuluyan ng tinanggal ng technology company na Apple ang mga mobile application game na nagpapakita ng madugong paglaban ng Pilipinas sa illigal na droga.
Ayon sa Asian Network of People Who Use Drugs nagtagumpay ang kanilang panawagan kay Apple Chief Executive Office Tim Cook na tanggalin na sa app store ng mga IOS users ang naturang mga laro.
Ilan sa mga larong tinutukoy ng grupo ay ang “Duterte Knows Kung Fu: Pinoy Crime Fighter.” ..”Duterte Running Man Challenge.”….Tsip Bato: Ang Bumangga Giba!”….at “Duterte vs. Zombies.”
Nauna ng inapela ng grupo ang mga ito dahil sa pagpapakita umano ng extrajudicial killing at pagkabayolente para maging isang laro kung saan nilalabag ang “app store review guidelines”.
—-