Maaaring hulihin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga Electronic bikes o E-bikes na hindi gumagamit ng bike lanes o yung wala mismo sa linyang inilaan para sa mga siklista.
Sa panayam ng DWIZ sinabi ni MMDA chairperson Atty. Romando Artes na mayroong guidelines na inilabas ang Land Transportation Office (LTO) hinggil sa violations at penalties para sa mga mahuhuli.
Ayon kay Artes, naglunsad na rin ng libreng bicycle repair station na bagong programa ng kanilang ahensya sa bahagi ng EDSA para sa mga motorsiklo o bisikleta na magkakaaberya sa gitna ng kanilang biyahe.
Bukod pa dito, magiging libre din ang vulcanizing at pagpapahangin sa mga gulong maging ang labor sa mga motorista.