Ipagbabawal na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagba byahe ng mga e –tricycle bilang public utility vehicles sa Maynila.
Ayon kay Moreno, habang pinag aaralan ng gobyerno ang pagbabawal ng e – tricycle sa Metro Manila ay mauuna na niya itong ipatupad sa kanyang syudad.
Aniya, ipapatupad niya ang ban sa e- trike dahil na rin sa kaguluhan na dulot nito sa kalsada.
Sa pagtaya ni Moreno, nasa 300 mga e- trike driver at operator ang apektado ng kanyang bagong kautusan.