Isinumite na ng Department of Health (DOH) ang karagdagang ebidensiya sa epekto ng booster shots at additional dose ng COVID-19 vaccines sa Food and Drug Administration (FDA).
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nagkaroon sila ng pagpupulong kasama ang lahat ng mga eksperto kung saan nakakalap sila ng mga ebidensiya para sa kanilang documentation sa booster shot at ikatlong dose ng bakuna kontra COVID-19.
Magugunitang, nagpasa na ang kagawaran ng ‘letter of intent’ para sa aplikasyon ng Emergency Use Authorization (EUA) sa FDA.
Sa ngayon aniya ay nirerebyu na ng FDA ang EUA ng mga COVID vaccines.