Hawak na ng AFP ang ebidensyang magpapatunay sa red october plot na naglalayong patalsikin sa pwesto si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Brig.Gen. Antonio Parlade, Jr., Deputy Chief of Staff for Operation ng AFP, may nakuhang laptop at iba pang dokumento sa 13 miyembro ng NPA na nahuli sa operasyon ng militar sa Northern Nindanao noong Hulyo.
Bukod pa ito aniya sa bank book, telepono at identification cards na patunay ng malawakang plano para pabagsakin si Pangulong Duterte.
Dahil din dito, sinabi ni Parlade na hindi lamang sa Metro Manila isasagawa ang plano kundi sa buong bansa.
Una nang itinanggi ng CPP ang nasabing plano na anito’y gawa gawa lamang ng AFP.