Bukas ang economic managers ng gobyerno sa anumang panukala kaugnay sa ikalawang package ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion o TRAIN Law.
Ayon ito kay Finance Undersecretary Karl Kendrick Chua sa gitna na rin ng mga batikos sa bagong package ng reporma sa buwis.
Kasabay nito sinabi ni Chua na kailangan na sa ngayong i-rationalize ang fiscal incentives system upang magkaroon ng balanse sa corporate taxation system sa Pilipinas.
Ipinabatid naman ni Finance Secretary Carlos Dominguez na sa ilalim ng package 2 patuloy na bibigyan ng incentives ang mga negosyo subalit kailangang matiyak na lahat ng incentives ay magbibigay ng benepisyo sa lipunan katulad na lamang nang pagbibigay ng magagandang trabaho sa mga Pilipino.
Binigyang diin ni Dominguez na ang pag overhaul sa corporate tax structure partikular na sa pagbibigay ng investment incentives ay mahalaga lalo at may mga depekto sa kasalukuyang sistema na humaharang sa Pilipinas para makahikayat ng foreign direct investments.
—-