Binatikos ng grupong Gabriela ang mga economic manager ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa umano’y panggagaya nila sa programang pang-ekonimiya ng Administrasyong Aquino.
Sa kanilang noise barrage, nanawagan ang grupo kay Pangulong Duterte na itakwil ang istilo ng daang matuwid na anila’y pinipilit isulong ng kanyang economic managers.
Ayon sa Gabriela, nakababahala ang panukalang comprehensive tax reform dahil sa nakaambang pagtaas ng mga produktong petrolyo.
Hindi, anila, maka-masa ang isinusulong na programa ng kasalukuyang administrasyon dahil tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin ngunit nananatiling mababa ang kinikita ng taumbayan.
By: Avee Devierte