Maaari nang tumanggap ang lahat ng 18 taong gulang pataas ng single-dose booster shot simula ngayong araw.
Sa Press Briefing, inihayag ni Presidential Spokesperson Karlo Nograles ang paalala ng Department of Health (DOH).
Ayon kay Nograles, matapos ang tatlong buwan na makatanggap ang isang indibidwal ng second dose ng Astrazeneca, Moderna, Pfizer, Sinovac o Sputnik Vaccine ay pwede na makatanggap ng single-dose booster.
Habang dalawang buwan naman aniya matapos makatanggap ng Janssen ay maaari na itong magpaturok ng booster.
Samantala, nilinaw ni Nograles na hindi pinahihintulutan ng DOH na maturukan o tumanggap ng booster ang mga edad 12 anyos hanggang 17 anyos na mga bata.