Inamin ng Malakanyang na hindi katanggap-tanggap ang pinakahuling blunder ng PNA o Philippine News Agency.
Kasunod na rin ito ng maling paglalagay ng logo ng DOLE o Department of Labor and Employment sa isang artikulo.
Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, nalulungkot siya sa kapalkan ng ilang empleyado ng ahensya dahil hindi niya sigurado kung sinasadya ng mga itong magkamali, underperforming o wala lang commitment sa trabaho.
Tiniyak ni Andanar na may mananagot sa mga editor at staff ng PNA sa nasabing pagkakamali.
Nasapol ng sunud-sunod na pagpuna ang PNA dahil sa mga kapalpakan tulad nang pag-post ng maling litrato sa artikulo tungkol sa Marawi Crisis kung saan litrato ng Vietnam ang nailagay at ang pagkopya sa komentaryo ng Xinhua News Agency hinggil sa South China Sea dispute na ginawang news article ng PNA.