Tutulungan ng mga eksperto mula China ang apat (4) na pangunahing lungsod sa Metro Manila upang ma-resolba ang problema sa illegal settling.
Kaugnay nito, lumagda ng memorandum of understanding si Manila Mayor Joseph Estrada at Shanghai-Nanjang Group of Company para sa isasagawang pag-aaral upang matugunan ang problema.
Ayon kay Shanghai-Nanjang Group Executive-Vice President Huang Qiao Gang, tatagal ng anim (6) na buwan ang feasibility study hinggil sa paninirahan ng mga informal settler sa mga ipinagbabawal na lugar gaya ng daluyan ng tubig.
Layunin nito na makapaglatag ng pang-matagalang solusyon sa naturang problema kabilang ang relokasyon at pagkakaloob ng hanapbuhay.
By Drew Nacino | With Report from Aya Yupangco