Muling nagbabala sa mga banking institution sa bansa ang mga eksperto laban sa cyber attacks.
Ayon kay Retired FBI Agent at Consultant Stephen Cutler, dapat tiyakin ng mga bangko at financial establishments tulad ng insurance at telecommunication companies na napo-protektahan ang kanilang assets.
Isiniwalat naman ni Abelardo Cortez, director ng First Metro Investment Corp. o FMIC na mahalagang gumawa ng mga programa upang hindi mangyari sa Pilipinas ang cyber attacks sa Bangladesh at Vietnam.
Maging ang British government umano ay nagpalabas na rin ng advisory sa lahat ng mga bangko na tumulong sa pagsugpo sa mga cyber criminals.
Giit naman ni Palmer Mallari, head ng automated case monitoring office ng National Bureau of Investigation o NBI, dapat sanayin ng mga bangko ang kanilang mga empleyado kung paano made-detect ang mga cyber attack.
By Jelbert Perdez