Naniniwala ang ilang mga eksperto na ang Omicron subvariant XBB ang posibleng dahilan ng pagdami ng kaso ng Covid-19 sa bansa.
Kasunod ito ng naitatalang arawang kaso ng nakakahawang sakit sa Pilipinas na pumapalo sa mahigit dalawang libong indibidwal.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Dr. Ted Herbosa dating Special Medical adviser ng National Task Force against Covid-19, nang magsimula ang Omicron sa bansa noong January, dito na nagkaroon narin nagsimula ang pagdami ng ibat-ibang subvariant ng Covid-19.
Ayon kay Herbosa, pinaka bagong subvariant ng Omicron ngayon ang tinatawag na XBB na kumakalat ngayon sa ibang bansa partikular na sa Singapore.
Sinabi ni Herbosa na mataas ang vaccination rate sa Singapore pero nagkakaroon ng immune escape dahilan kaya tinatamaan ng ibat ibang uri ng Covid-19 ang maraming tao sa kanila.