Halos tatlong linggo ang itinatagal ng coronavirus sa katawan ng mga pasyenteng may malubhang kalagayan.
Ayon ito sa resulta ng pinakabagong pag-aaral ng mga expert sa China hinggil sa mga ebidensyang inilatag kaugnay sa pattern ng sakit sa mga coronavirus disease 2019 (COVID-19) patients kung saan 96 sa mga ito ay inadmit sa kanilang ospital simula Enero hanggang Marso.
Ang mga expert ay kumuha ng sample mula sa ilong, lalamunan, dugo, dumi at ihi ng mga pasyente para makita kung gaano tatagal ang virus sa sistema ng mga ito o kung mayroong paraan para kumalat pa ang mga ito sa buong katawan.
Nabatid na posibleng kumalat ang virus sa dumi ng pasyente at nakita rin sa pagsusuri na mas tumatagal ang virus sa katawan ng lalaking pasyente kumpara sa babaeng pasyente bukod pa sa magkaiba ang immune status at hormone levels ng dalawa.