Sinimulan nang i-deliver ng Commission on Elections o COMELEC ang mga election paraphernalia sa mga embahada at konsulado ng Pilipinas sa ibayong dagat.
Unang nakatanggap ng mga makina ang Hong Kong para sa mga OFW kung saan 10 vote at counting machines at mga balota ang idineliver doon.
Sa tala ng Department of Foreign Affairs Overseas Voting Secretariat, mahigit sa 1 milyong Pinoy sa abroad ang nagparehistro para sa eleksyon sa Mayo 9.
Mahigit sa 90,000 OFW’s ang nagparehistro sa Hong Kong at umaasa si Vice Consul Alex Vallespin na nasa kalahati ng mga nagparehistrong ito ang makikiisa sa botohan.
Magsisimula ang overseas absentee voting sa ika-9 ng Abril at magtatagal ng isang buwan o hanggang sa ika-9 ng Mayo, ang petsa ng mismong halalan dito sa Pilipinas.
By Jelbert Perdez | Allan Francisco