Umakyat na sa 16 ang naitalang election-related violent incidents ng Philippine National Police (PNP) sa buong bansa, sa gitna ng halalan.
Ayon kay PNP Spokesperson, Col. Jean Fajardo, nadagdag sa bilang ang shooting incident sa Magsingal, Ilocos Sur noong Sabado ng umaga kung saan sangkot ang mga tagasuporta ng dalawang magkalabang mayoral candidates.
Apat ang nasawi sa nabanggit na barilan habang apat din ang sugatan.
Dalawa naman ang naaresto sa insidente habang inaalam pa ang pagkakakilanlan ng ibang nakatakas.
Samantala, sa kabuuan ay umabot na sa 63 ang naitalang insidente mula Enero 9 hanggang Mayo 8.