Makikita na ng mga botante ang resulta ng nagiging botohan sa bawat presinto sa darating na Mayo.
Ito’y dahil sa ilalagay na ng Commission on Elections o COMELEC sa kanilang website ang lahat ng election returns na magmumula sa humigit kumulang 90,000 polling precincts.
Sa panayam ng DWIZ, inihayag ni COMELEC Chairman Andy Bautista na magmumula ang mga election returns sa mga vote counting machines na gagamitin sa lahat ng presinto sa buong bansa.
Samantala, binigyang diin ni Bautista na wala nang atrasan pa ang pag-iimprenta ng balota sa darating na Pebrero 8.
By Jaymark Dagala | ChaCha