Kailangan munang sumailalim sa disinfection procedure ang lahat ng mga empleyado, panauhin, maging ng mga matataas na opisyal ng gobyerno bago makapasok sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Makati City.
Ito’y bilang bahagi ng kanilang hakbang laban sa paglaganap ng 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Bago makapasok sa tanggapan, kailangan munang dumaan sa isang sanitation area malapit sa main door ng tanggapan ang isang empleyado o panauhin kung saan kailangang mag-360° turn ang mga ito habang ini-isprayan ng disinfectant mist.
Kailangan ding ilublob muna ang sapatos sa isang foot bath bago lisanin ang tanggapan.
Ichecheck din ng isang MMDA personnel ang body temperature ng mga papasok sa MMDA office gamit ang thermometer.