Required na sumailalim sa lingguhang COVID-19 testing ang mga mangagawa mula sa Olongapo City at Subic Bay Freeport simula ngayong araw.
Ayon sa kautusan na ibinababa ni Governor Hermogenes Ebdane Jr. required na sumailalim sa rapid antigen test ang mga taong galing sa lugar na maituturing na high risk sa COVID-19 cases kung magtatagal sila ng 24 oras habang kailagan naman na magpakita ng negative RT-PCR test ang mga ito kung magtatagal ng 48 hours o higit pa.
Sa mga APOR, delivery personnels, empleyado ng DPWH at mga manggagawa na arawan kung umuwi sa Zambales.
Kailangan naman na magpakita ng negative rapid antigen test na valid ng isang linggo.—sa panulat ni Rex Espiritu