Marami pang mga empleyado ang hindi pa nakakapag-claim ng kanilang cash aid mula sa gobyerno.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) ito ay dahil sa maling contact information ng mga manggagawa kaya’t hindi nakakarating sa kanila na meron silang makukuhang ayuda.
Batay sa report ng COA, umaabot sa 22 million pesos ang ayuda sa ilalim ng COVID-19 adjustment program o camp at Abot Kamay Ang Pagtulong (AKAP) ang nasa money remittance centers pa dahil hindi pa naki-claim ng maraming manggagawang benepisyaryo nito.
Sinabi ng DOLE na kanilang pinasok na ang pera sa mga money remittance center at ang mga ito na ang kokontak sa mga benepisyaryo gamit ang contact information na ibinigay din ng ahensya.
Ngunit marami ang hindi makontak dahil posibleng nagpalit ng number o sadyang mali ang naibigay na contact information, anila nahihirapan ang mga remittance center na i-locate ang mga benepisyaryo ng ayuda.