Nakatanggap na ng year-end bonus at cash gifts ang higit sa 100 mga empleyado ng Clark International Airport Corporation (CIAC).
Ito’y makaraang ipag-utos ni CIAC President Aaron Aquino ang agarang pagpapalabas ng bonuses ng kanyang mga tauhan, na katumbas ng isang buwang sahod ng mga ito at P5K cash gift.
Kasunod nito, paalala ni Aquino sa kanyang mga tauhan na mamimili gamit ang kanilang mga bonus, sumunod sa umiiral na health protocols gaya ng pagsusuot ng face mask, face shield at physical distancing para labanan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.