Ikinagulat ng mga empleyado ng Department of Justice ang pagkakasangkot ng ilan nilang kasamahan sa drug trade sa Bilibid.
Ayon sa source ng DWIZ patrol, hindi inakala ng mga kawani ng DOJ na makakaya ni Jesusa Francisco, alyas Susan, ang makipag – usap sa mga high profile inmate na hindi nangangamba sa kaligtasan.
Hindi naman na gaanong ikinagulat ng mga kawani ang pagkakasangkot ni Florilyn Adencio na dating Executive Assistant ni Sen. Leila de Lima.
Ang dalawang kawani ng DOJ ay isinangkot ng drug lord na si Herbert Colanggo, kahapon.
By: Katrina Valle