40 tauhan ng Department of Justice (DOJ) ang nag positive sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) gamit ang rapid tests.
Ayon ito kay Justice Secretary Menardo Guevarra subalit isasailalim pa sa confirmatory test ang mga nasabing COVID-19 positive employees.
Sinabi ni Guevarra na ang iba pang empleyado nilang papasok ngayong araw na ito ay isasailalim din sa rapid testing
Tuluy tuloy din aniya ang pag-disinfect nila sa kanilang tanggapan at magpa pasya kung sususpindihin ang kanilang trabaho kung kinakailangan.
Ang DOJ ay mayruong 700 hanggang 750 empleyado. —ulat ni Bert Mozo (Patrol 3)