Inihihirit ng mga empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagkakaroon ng mass testing sa kanilang hanay.
Ito’y matapos umabot sa 150 na ang tinamaan ng COVID-19 sa mga kawani ng ahensya.
Ayon kay Social Welfare Employees Association of the Philippines (SWEAP) national president Alan Balaba, matagal na nilang hinihiling ang mass testing sa DSWD management ngunit hanggang sa ngayon ay wala pa ring tugon ukol dito.
Dagdag pa ni Balaba, idinahilan sakanila na maaapektuhan ang kanilang operasyon sakaling i-lockdown ang kanilang tanggapan para sa disinfection.
Samantala, tiniyak naman ng DSWD management na kanilang patuloy na minomonitor ang mga kalagayan ng empleyadong tinamaan ng virus gayundin ang patuloy na pag abot ng tulong sa mga ito.