Kinakailangan nang mag-prisinta ng ID mula sa Department of Trade and Industry (DTI) ang mga empleyado mula sa enterprise at logistics companies para makalusot sa mga checkpoint sa gitna ng umiiral na Luzon community quarantine.
Ayon kay Trade Sec. Ramon Lopez, bagama’t exempted na ang mga ito sa travel ban, simula March 22 ay kailangan na nilang magpakita sa mga checkpoint ng official IATF ID na magmumula sa DTI.
Sa ngayon aniya ay tatanggapin pa ang mga valid ID mula sa kumpanya, proof of residence at certification of employment.
Kasabay nito muling nagpaalala ang DTI sa publiko kaugnay sa pagsunod sa mga safety protocols at social distancing na ipinatutupad ng pamahalaan para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.