Nilinaw ng Civil Service Commission (CSC) na walang overtime pay ang mga empleyado ng gobyerno na naka “work from home”.
Ayon kay Commissioner Aileen Lizada, ang mga empleyado lamang na personal na nagre-report sa kanilang tanggapan at lumagpas ang oras ng trabaho ang papayagan lamang na makatanggap ng overtime pay.
Aniya, ang ‘compressed work-week setup’ ay resulta ng konsultasyon sa pagitan ng mga empleyado at management.
Binigyan diin pa ni Lizada na ang ‘flexible work arrangements’ ay nasa pagpapasya na ng namumuno sa ahensiya basta’t makasisigurong patuloy na ginagawa ng mga empleyado ang kanilang trabaho mula alas- otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.