Kung nabigo ang mga manggagawa sa pribadong sektor, ang mga kawani naman ng gobyerno ang maituturing na panalo sa araw ng paggawa.
Ito ay dahil maaari na silang magtayo ng Unyon at pumasok sa Collective Bargaining Agreement matapos ratipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang ilang probisyon ng International Labor Organization Convention 151.
Sa ilalim ng ILO Convention, malaya ng bumuo ng Unyon ang mga kawani ng gobyerno at igiit ang kanilang benepisyo sa pamahalaan.
Ayon kay Pangulong Duterte, nakatakda na niyang isumite sa Senado ang kalatas ng kanyang pagsuporta na ipatupad ang ILO Convention 151 sa bansa.
Sa kasalukuyan, tanging mga manggagawa sa pribadong sektor ang pinapahintulutan sa ilalim ng batas na magtatag ng unyon at pumasok sa bargaining agreement sa kanilang pinapasukang kumpanya.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping