Ipinahayag ng Alphabet Inc’s Google na posibleng hindi sumahod at mawalan ng trabaho ang kanilang mga empleyadong hindi sumunod sa kanilang vaccination rules.
Batay sa memong inilabas ng Google, kailangang mag-sumite ang kanilang empleyado ng dokumentong nagsasaad ng kanilang vaccination status o applikasyon para sa medical o religious exemption.
Ayon sa Google, ang kanilang mga empleyadong bigong makasunod sa vaccination rules sa Enero 18 sa susunod na taon ay makatatanggap ng paid administrative leave sa loob ng 30 araw at kung tatagal ng anim na buwan na hindi pa sila bakunado ay tatawagin itong “Unpaid Personal Leave” hanggang ma-terminate o mawalan ang mga ito ng trabaho. —sa panulat ni Joana Luna