Iprinotesta ng mga empleyado ng Honda Cars Philippines Inc. ang inanunsyo nitong pagsasara ng factory nito sa Sta. Rosa Laguna.
Sa loob mismo ng pagawaan ng Honda, nagtipun-tipon ang higit 300 empleyado ng kumpanya para tutulan ang biglaang tigil operasyon nito.
Ayon kay Christopher Oliquino, tagapamuno ng RF Union of Honda employees, ayaw silang harapin ng mga namumuno sa kumpanya para sana ipaliwanag ang tunay na dahilan ng pagsasara.
Dahil aniya dito ay maghahain sila ng kaso.
Kasabay nito nanindigan ang grupo ng mga empleyado na hindi sila aalis sa loob ng pagawaan.