Kadalasang nagpa-file ng leave ang isang empleyado sa tuwing mayroon itong sakit o kapag gustong magbakasyon o magpahinga, pero ang isang kumpanya sa China, binibigyang permiso ang mga empleyado nito na umabsent kapag nakakaramdam ng kalungkutan!
Kung ano ang buong kwento, alamin.
Sa ginanap na conference na tinatawag na China Supermarket Week ngayong taon, ibinalita ng founder at chairman ng retail company na Pang Dong Lai na si Yu Dong Lai sa kaniyang mga empleyado ang pagkakaroon ng bago at kakaibang klase ng “leave” sa kanilang kumpanya na tinatawag na unhappy leave.
Ang bawat empleyado ay mabibigyan ng sampung extra leave na mayroong kasamang benefits na maaari nilang gamitin sa tuwing hindi maganda ang kanilang mental at emotional state.
Binibigyan ng “unhappy leave” ng karapatan ang mga empleyado na huwag pumasok at magpahinga sa tuwing hindi sila masaya at para na rin ma-practice sa kumpanya ang work-life balance.
Ayon kay Yu Dong Lai, dapat hikayatin ng mga kumpanya ang kanilang mga empleyado na magpahinga dahil hindi lamang ito basta nakatutulong sa pag-boost ng kanilang morale, kundi pati na rin sa kanilang productivity.
Dagdag pa niya, ang hindi pagbibigay ng pahintulot sa mga empleyado na gamitin ang kanilang leave ay makukusiderang violation.
Ikaw, gusto mo rin bang magkaroon ng unhappy leave sa’yong pinagtatrabahuhan?