Pumapalo na sa mahigit 200 ang mga empleyado ng MRT 3 na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddess Libiran nasa 202 na ang mga COVID-19 positive na empleyado ng MRT 3 kung saan 16 ay mula sa iba’t-ibang istasyon at mahigit 100 ay mula sa depot.
Ang mga station personnel na nagpositibo ay kinabibilangan ng 15 ticket sellers na ang walo ay mula sa North Avenue Station, 3 sa Cubao Station, 2 sa GMA Kamuning Station at 1 sa Quezon Avenue Station at isang nasa reserve status.
Sinabi ni Libiran na mahigit 300 na lamang mula sa sa mahigit 3,000 tauhan ng Mrt ang kailangan pang isalang sa COVID-19 testing.