Nakiusap ang mga empleyado ng Resorts World Manila sa mga mambabatas na huwag tanggalan ng lisensya ang nasabing kumpanya.
Isinagawa ang pahayag matapos ang pagdaraos ng vigil sa harap ng nakasaradong gusali matapos ang naganap na pag-atake na ikinasawi ng mahigit tatlumpu (30) katao.
Giit ng mga empleyado ng Resorts World Manila, marami silang mawawalan ng trabaho sakaling ipasara ang kumpanya.
Batas na magatatakda na magkaroon ng entrance fee sa mga casino inihain sa kongreso
Isang panukalang batas ang inihain sa kongreso na naglalayong singilin ng tatlong libong pisong (P3,000.00) entrance fee ang mga magpupunta at magsusugal sa casino.
Ang nasabing panukala ay inihain ni Congressman Rodolfo Albano.
Ayon kay Albano, ang perang masisingil ay tatawaging special fund na ilalaan naman sa Children and Youth Welfare Development Center.
Sa ilalim ng panukala, ang magpapatupad ng rules and regulations ay ang Department of Budget and Management (DBM), Department of Finance (DOF), Department of Interior and Local Government (DILG) at Department of Social Welfare and Development (DSWD).
By Meann Tanbio | With Report from Jill Resontoc