Target ng Senado na mabakunahan kontra COVID-19 ang mga empleyado nito at mga tauhan na kailangan ng mga senador sa pagpapasa ng batas.
Ito ang inihayag ni Senate Majority Leader Migz Zubiri matapos punahin ang mga report na may mga barangay officials na ang naturukan na ng bakuna kontra COVID-19.
Giit ni Zubiri, maituturing na frontliner ang mga nasa senate employees dahil malaki ang kontribusyon nila lalo sa pagpasa ng batas.
Dahil anya sa tulong ng mga senate employees kaya naipasa ang bayanihan 1 at 2.
Paliwanag ni Zubiri hindi mga senador kundi mga empleyado ang kanilang ipinakikiusap sa iatf na mabakunahan sa lalong madaling panahon
5000 doses ng bakuna para sa 2,500 na senate employees ang kanilang hinihiling mula sa IATF.
Kailangan daw mabakunahan sila para pagbalik ng sesyon sa Mayo ay handa sila lalot papalapit na rin ang budget season kung saan marami ang nagpupunta para ihingi ng pondo ang kanilang mga ahensya.
Marami na raw kasing empleyado ng Senado ang tinamaan ng COVID-19 at kung magpapatuloy ito ay maaapektuhan ang pagpapasa nila batas kung naka-quarantine ang mga staff, mga taga-bills and index at iba pang kawani
Sabi naman ni Senate President Vicente Sotto III, nakausap na ng senate secretariat ang Gamaleya para sa bakuna at pumayag na silang maglaan ng bakuna pero biro ni Sotto, baka kaya mabagal ang IATF sa nire-request nilang bakuna ay dahil sa binabatikos nila ang IATF. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)