Balik na sa regular na work schedule sa Lunes, Marso a-siyete ang mga empleyado sa Bago City sa Negros Occidental.
Ito ay matapos maglabas ng executive order si Mayor Nicholas Yulo na nagbibigay direktiba sa lahat ng empleyado sa lungsod.
Pero paalala ni Yulo na patuloy na sundin ang minimum health protocols sa mga work spaces tulad ng pagsusuot ng face mask, body temperature at sanitation stations. – sa panulat ni Abby Malanday