Inihayag ni Department of Labor and Employment Assistant Secretary Maria Teresa Cucueco na kailangan pa rin ang pagpapabakuna ng lahat ng manggagawa na babalik sa trabaho sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert level 1.
Aniya, hindi inalis ang patakaran sa pagbabakuna para sa mga on-site workers gayundin ang minimum public health standards tulad ng pagsusuot ng face mask dahil nagbibigay ito ng karagdagang proteksyon sa mga manggagawa mula sa severe at critical case ng COVID-19.
Patuloy namang hinihikayat ng DOLE at ng mga pribadong kumpanya ang mga nasabing indibidwal na tumanggap ng bakuna. —sa panulat ni Airiam Sancho