Ibinasura ng Civil Service Commission ang 99 na appointments para sa promotion at regularisasyon na ipinatupad noon ni dating Makati City Mayor Romulo “Kid” Peña.
Ito’y matapos mapatunayan ng CSC na lumabag si Peña sa panuntunan sa pagba-ban ng appointment tuwing panahon ng eleksyon.
Kaugnay nito, sinabi ni City Personnel Officer Vissia Marie Aldon na ang mga ibinasurang appointments ay kinapapalooban ng 73 promotions at 26 na regular appointments.
Batay sa listahan ng HRDO, ang mga sinasabing empleyado ng Makati ay mula sa Ospital ng Makati, Makati Health Department, Budget Department, City Civil Registration office at iba pa.
By: Meann Tanbio