Hindi na kailangang isailalim sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) test ang mga empleyadong papasok na sa kani-kanilang trabaho na nagsimula sa araw na ito, Lunes, ika-18 ng Mayo.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello lll, hindi mandatory ang COVID-19 test maliban lamang sa mga empleyado na makikitaan ng mga sintomas ng COVID-19.
Gayunman, ipinaalala ni Bello na mahalagang maipatupad ng bawat nagbukas na kumpanya ang minimum health standards tulad ng pagkuha ng kanilang temperatura, pagsusuot ng mask, social distancing at mahigpit na sanitation protocols sa tanggapan.