Exempted pa rin sa trabaho ang mga empleyadong magpapabakuna sa ikalawang phase ng National Vaccination Days.
Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi dapat markahang absent ang mga manggagawang nangangailangan ng bakuna kontra COVID-19.
Aniya, maaaring magprisinta na lamang ang mga empleyado ng patunay na may iskedyul sila ng bakuna.
Ikinasa ng pamahalaan ang ikalawang round ng bayanihan, bakunahan upang makamit ang 54 milyong target na fully vaccinated na mga Filipino bago matapos ang taon. —sa panulat ni Angelica Doctolero