Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa pribadong sektor ukol sa ‘pay rules’ para sa mga papasok na manggagawa ngayong Sabado, Disyembre 31.
Base sa abiso, ipinaliwanag ng ahensya na ang mga papasok ngayong araw ay dapat makatanggap ng bayad na katumbas ng kanilang arawang sahod.
Magugunitang naglabas ng Proclamation 1236 si dating Pang. Rodrigo Duterte noong October 2021 na nagdedeklara sa Disyembre 31 bilang special working day.
Kasabay nito, ipinaalala naman ng DOLE sa mga employers na dapat makatanggap ng 30% na dagdag sa kanilang arawang sahod ang mga manggagawa na papasok naman sa Enero 2, 2023 dahil idineklara itong special non-working day.